Ang Mahiwagang Bulaklak ng Matandang Babae
Noong unang panahon, may isang matandang babae ng may magandang hardin ng mga bulaklak sa tabi ng lawa. Malapit ang matandang babae sa mga mangingisdang naninirahan sa kalapit na baryo. Madalas na bumibisita ang mga mangingisda at ang kani-kanilang pamilya sa magandang babae upang magbigay ng isda kapalit ng ilang magaganda at mababangong bulaklak mula sa hardin.
Naniniwala ang mga mangingisda na mayroong angking kapangyarihan ang magandang babae dahil palaging nagliliwanag ang kapaligiran ay may kasamang magandang babae at duwendeng tumutulong sa pag aalaga ng hardin. Sinubukan nilang tanungin ang matanda ngunit sinabi ng matanda na wala siyang kasama.
Isang araw ay may isang mag-asawa na bumisita sa baryo at nakita nila ang magandang hardin. Pumasok sila at pumitas ng bulaklak na walang pahintulot. Nakita sila ng matanda at pinakiusapang umalis ngunit pinagkatuwaan lamang dahil sa pangit niyang anyo.
Dahil sa kagagawan ng dalawa, ginawa silang magandang kulisap Noon din ay nagbago ang anyo ng dalawa naging paru-paro at nakita lamang nga sa taumbayan na may kakaibang kulisap na umaaligid sa mga bulaklak.
Comments
Post a Comment